Batay sa pinakahuling tala ng Department of Health (DOH), may naidagdag pang 52 biktima ng paputok sa pagsalubong sa Bagong Taon.
Pero ayon sa DOH, mababa parin naman ito ng 5% kung ikukumpara sa kaparehong petsa noong nakaraang taon.
Sa nasabing bilang, 339 ang tinamaan ng paputok, habang 1 naman ang nakalunok ng paputok.
Wala namang naiulat na tinamaan ng ligaw na bala, at wala ring naiulat na nasawi.
Karamihan sa mga tinamaan ng paputok ay mula sa National Capital Region, Region 6, at Region 1.
Sa NCR, karamihan ng mga kaso ay naitala sa Maynila, Quezon City, Caloocan, Las Piñas at Mandaluyong.
Sa mga biktima, 245 ang nagtamo ng blast burn, 82 ang eye injuries, at 14 naman ang kinailangang i-amputate o putulin.