Ilang barangay sa Taguig, Pasig at Pateros 10 oras na mawawalan ng suplay ng tubig sa Lunes

Sampung oras na mawawalan ng suplay ng tubig ang ilang mga barangay sa Taguig, Pasig at Pateros sa Lunes (Jan. 6) ng gabi hanggang sa Martes (Jan. 7) ng umaga.

Sa abiso ng Manila Water, mayroon silang pipe maintenance at magdudulot ito ng water service interruption sa sumusunod na mga barangay:

TAGUIG:
Napindan
Ibayo Tipas
Ligid Tipas
bahagi ng Palingon (F. Manalo hanggang Dr. Natividad St.)

PASIG:
bahagi ng San Joaquin (Elisco St. kanto ng Visitacion St.)

PATEROS:
bahagi ng Sta. Ana (P. Rosales)

Magsisimula ang water service interruption alas 9:00 ng gabi ng Lunes at tatagal hanggang alas 7:00 ng umaga ng Martes.

Ang mga apektadong residente ay pinayuhan na mag-ipon na ng kakailanganing tubig.

Read more...