“Oplan Linis Piitan” ikinasa sa Metro Bacolod District Jail

Nagkasa ng Oplan Linis Piitan ang mga otoridad sa Metro Bacolod District Jail.

Sa naturang aktibidad nagsagawa ng surprise drug testing ang Philipine Drug Enforcement Agency sa 100 Persons Deprived of Liberty at 37 tauhan ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP).

Katuwang ng PDEA ang Negros Occidental Police Officeat ang Metro Bacolod District Jail-Male Dormitory personnel.

Sa paggalugad ng BJMP sa mga selda, nakumpiska ang mga bawal na bagay gaya ng mga gunting, pang-ahit, lighter, matutulis na bagay at iba pa.

Wala namang nakuhang ilegal na droga.

Ayon naman sa PDEA, walang nag-positibo sa illegal na droga sa 100 preso at 37 BGMP personnel na isinailalim sa drug test.

Read more...