10,000 pulis ipakakalat sa Traslacion 2020

Magtatalaga ng 10,000 pulis ang National Capital Region Police Office (NCRPO) para sa Traslacion 2020 sa January 9.

Ayon kay NCRPO acting director, Police Brigadier General Debold Sinas, patuloy ang kanilang preparasyon sa magiging deployment ng kanilang mga tauhan.

Sinabi rin ni Sinas na maaring hilingin nila sa mga telecommunication company na magpatupad ng signal sa kasagsagan ng prusisyon ng Itim na Nazareno.

Inaasahan ang mas maayos na daloy ng prusisyon ngayong taon.

May mga pagbabago ring ipatutupad sa ruta ng Traslacion.

Read more...