Pentagon kinumpirmang nasawi sa US airstrike ang mataas na opisyal ng Iran

Kinumpirma ng Estados Unidos na napatay sa isinagawa nilang pag-atake ang mataas na opisyal ng Irinian Military.

Sa inilabas na pahayag ng Defense Department ng US, base sa direksyon o utos ni US President Donald Trump ay nagsagawa ng defensive action para maprotektahan ang US personnel sa Iraq,

Kinumpirma din ng Defense Department ang pagkasawi ni top Iran general Qassim Suleimani sa Baghdad airport.

Ginawa umano ang strike para mapigilan ang mga susunod na pag-atake ng Iran.

Tiniyak din ng Defense Department na mapagpapatuloy ang aksyon ng US para protektahan ang kanilang mamamayan saanmang panig ng mundo.

Read more...