Ang video ay unang ibinahagi ni Bretman Rock sa kaniyang Instagram Story at mabilis itong kumalat sa Youtube at Facebook.
Makikita na habang tumutugtog ang Lupang Hinirang ay sinabayan ito ng sayaw kabilang na ang pagte-twerk ng nasabing vlogger.
Sa inilabas na abiso ng NHCP bagaman hindi pinangalanan ang vlogger sinabi nitong nakarating na sa kanila ang reklamo hinggil sa video ng pagsasayaw ng isang lalaki habang tumutugtog ang Lupang Hinirang.
Ayon sa NHCP, sa ilalim ng RA 8491 o Flag and Heraldic Code of the Philippines, mandato ng NHCP na tiyaking nirerespeto ng lahat ang National Anthem.
Kailangang tumayo ng tuwid at ilagal ang kanay kamay sa dibdib kapag ito ay inaawit.
Hindi rin umano dapat ginagamit ang Pambansang Awit sa recreation, amusement, o entertainment.
Malinaw ayon sa NHCP na base sa video na kumalat sa social media ay nalabag ang Flag Law.
Ang paglabag sa RA 8491 o Flag and Heraldic Code of the Philippines ay may karampatang mula na P5,000 hanggang P20,000 o pagkakakulong ng hanggang isang taon.