Pinsala ng Typhoon Ursula umakyat na sa P3.43B

Umabot na sa P3.43 billion ang halaga ng pinsala ng Typhoon Ursula sa imprastraktura at agrikultura.

Sa pinakahuling situation report ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) araw ng Biyernes (Jan. 3) umabot na sa P3,435,725,790 ang total cost of damage ng bagyo mula sa dating P1,194,009,546.

Pinakaraming napinsala sa Mimaropa, Regions 5, 6, 7 at 8.

Umabot din sa 446 na paaralan ang napinsala, 32 health facilities, at 84 government facilties.

Nananatili sa 50 ang bilang ng nasawi habang umakyat sa 362 ang bilang ng sugatan.

Read more...