Ayon sa DOTr, walang dagdag sa actual fare o pamasahe sa LRT-1, LRT-2 at MRT-3.
Ang dagdag presyo ay magre-reflect lamang sa issuance fee o kapag bumili ng stored value ng Beep Card.
Paliwanag ng DOTr, ang dagdag sa Card Issuance Fee ay automatic provision na nakasaad sa concession agreement na nilagdaan ng DOTr at ng AF Payments Inc. noong March 31, 2014.
Una nang naglabas ng abiso ng LRT-2 na mula P20at magiging P30 na ang halaga ng stored value na Beep Card.
Ang naturang card ay hindi naman kailangang paulit ulit bilhin ng mga pasahero.
Matapos nila itong bilhin sa halagang P30 ay papaloadan na lamang ito para kanilang magamit.