Abogado sugatan sa pananambang sa Dumaguete City

CDND Photo
Sugatan ang isang abogado makaraang tambangan sa Dumaguete City Biyernes (Jan. 3) ng umaga.

Nakilala ang biktima na si Ray Moncada, 74 anyos na sumasailalim sa operasyon sa Siliman University Medical Center matapos magtamo ng tama ng bala sa katawan.

Nag-iisa sa kaniyang bahay si Moncada nang may mag-dorbell.

Nang lumabas si Moncada ay binaril na ito ng riding-in-tandem na kapwa nakasuot ng helmet.

Ayon kay Police Colonel Julian Entoma, director ng Negros Oriental Provincial Police Office, inaalam pa kung ano ang motibo sa pamamaslang.

Read more...