Iranian commander kabilang sa nasawi sa pag-atake sa Baghdad Airport

Kabilang si Top Iranian commander Qasem Soleimani sa mga nasawi sa missile attacks sa Baghdad Airport.

Sa ulat ng Iranian state television tatlong iba pang Iraqi ang nasawi sa pag-atake.

Kasamang nasawi si Abu Mahdi al-Muhandis, deputy commander ng Iran-backed militias sa Iraq na Popular Mobilization Forces o PMF.

Sa ulat ng PMF sinabi nitong “American airstrike” ang tumarget sa mga sasakyan na nasa paliparan dahilan para masawi ang mga opisyal.

US Helicopters umano ang nagpakawala ng pag-atake.

Wala panamang inilalabas na pahayag ang Estados Unidos hinggil dito.

Read more...