32 katao, isinailalim sa quarantine sa Thailand matapos makapagtala ng 2nd case ng MERS

June 9 MersCOv dot netNasa 32 katao ang isinailalim sa quarantine sa Thailand matapos maitala ang ikalawang kaso ng Middle East Respiratory Syndrome (MERS).

Ayon kay Amnuay Gajeena, director-general ng Thailand Disease Control Department, nakumpirmang kontaminado ng sakit ang 71-anyos na isang Omani man na dumating sa Bangkok kamakailan.

Dahil dito, agad isinailalim sa quarantine ang kaniyang anak, at ang mga nakasalumha niyang taxi drivers, hotel staff at mga nakasabay sa eroplano.

Sasailalim sa dalawang linggong quarantine period ang mga nakasalamuha ng nasabing lalaki.
Sinabi ni Amnuay na walo pang nakasalamuha ng nasabing Omani ang kanilang hinahanap para ma-quarantine.

Nakaranas ng lagnat ang Omani man, ubo at hirap sa paghinga.

Kamakailan, isa ring Omani na edad 75 ang na-diagnose sa sakit na MERS. Siya ang unang-unang nagpositibo sa sakit sa Thailand.

Read more...