85 na ang nasawi sa Taiwan dahil sa pagbagsak ng temperature

REUTERS/Lee Seok-hyung/News1
REUTERS/Lee Seok-hyung/News1

Dahil sa matinding lamig ng panahin, umabot na sa 85 katao ang nasawi sa Taiwan.

Sa ulat ng Taiwanese media, ang mga nasawi ay dulot ng hypothermia at cardiac disease kasunod ng nararanasang malamig na temperatura sa lugar.

Karamihan sa mga nasawi ay pawang may edad na at naninirahan sa Taipei at Taoyuan.

Sa dalawang nabanggit na lugar pa lamang nasa 66 na ang naitalang nasawi habang nakapagtala naman ng hindi bababa sa 16 na nasawi sa southern city na Kaohsiung.

Noong Linggo, bumagsak sa 4C ang temperatura sa Taipei City na pinakamababa sa kasaysayan sa nakalipas na 44 na taon.

Ang malamig na panahon ay nararanasan din sa Hong Kong, southern China, South Korea at Japan.
Sa South Korea, mayroong 60,000 mga turista ang stranded dahil sa mga kanseladong flights bunsod ng malamig na temperatura.

Dahil naman sa matinding snow, nagpatupad ng closure sa paliparan sa Jeju.

Sa Hong Kong, umabot sa 3C ang pinakamababang temperatura na naitala, at ito na ang lowest temperature sa lugar sa nakalipas na 60 na taon.

Sa Japan, lima na ang naitalang nasawi at mahigit 600 domestic flights ang kanselado.

Read more...