Dagdag-presyo sa LPG ng Eastern Petroleum epektibo ngayong umaga

Nagpatupad na din ng dagdag sa presyo ng LPG ang kumpanyang Eastern Petroleum.

Sa abiso ng kumpanya, epektibo alas 6:00 ng umaga kanina (Jan. 3) ang dagdag na P7.55 kada kilo sa kanilang EC Gas.

Katumbas ito ng mahigit P80 na dagdag sa bawat 11-kilogram LPG cylinder.

Una nang nagpatupad ng dagdag presyo sa LPG sa unang araw ng taong 2020 ang mga kumpanyang Petron, Phoenix at Solane.

Read more...