21 sugatan sa naaksidenteng pampasaherong bus sa Kidapawan City

Sugatan ang dalawampu’t isang pasahero makaraang maaksidente ang sinasakyan nilang pampasaherong bus sa Kidapawan City.

Nangyari ang aksidente Biyernes (Jan. 3) ng umaga sa national highway na sakop ng Barangay Amas.

Ayon kay Pol. Lt. Col. Bernard Tayong, tagapagsalita ng Cotabato Police Provincial Office, nawalan ng kontrol ang driver ng Mindanao Star Bus dahil madulas ang kalsada.

Nahulog ito sa pababang bahagi ng lansangan.

Dalawa sa mga sugatan ay nagtamo ng matinding pinsala.

Patuloy na ginagamot sa Cotabato Provincial Hospital ang mga nasugatang pasahero.

Read more...