Ayon sa Disaster Mitgation Agency ng Indonesia, mahigit 62,000 na katao na ang inilikas sa Jakarta pa lamang.
Inaasahang unti-unti nang makababalik ng kanilang tahanan ang mga inilikas na pamilya dahil sa paghupa na ng tubig-baha.
Itinuturing itong isa sa pinakamatinding pagbaha na naranasan sa Jakarta kung saan maraming sasakyan ang nalubog sa tubig.
May mga bahay ding natabunan ng pagguho ng lupa.
MOST READ
LATEST STORIES