Magnitude 5.9 na lindol tumama sa eastern Japan

Niyanig ng magnitude 5.9 na lindol ang eastern Japan.

Ayon sa Japan Meteorological Agency, alas 3:24 ng madaling araw ngayong Biyernes (Jan. 3) tumama ang lindol sa Pacific Ocean sakop ng Chiba Prefecture.

Naramdaman ang hanggang Intensity VII sa southern part ng Ibaraki Prefecture at sa northeastern part ng Chiba Prefecture.

Umabot din ang pagyanig sa sa central hanggang northeastern ng Japan kabilang na ang Tokyo.

Hindi naman nagpalabas ng tsunami warning bunsod ng naranasang lindol.

Wala ring napaulat na pinsala o nasaktan sa pagyanig.

Read more...