4 Chinese national sugatan sa pagsabog ng tangke ng LPG sa Makati

Sugatan ang apat na Chinese national matapos sumabog ang tangke ng liquefied petroleum gas (LPG) ng isang restaurant sa Brgy. San Antonio, Makati City, Huwebes ng gabi.

Ayon kay Makati City police chief Col. Rogelio Simon, gas leak ang tinitingnang sanhi ng pagsabog.

Basag-basag ang mga salamin sa restaurant at nagkalat ang mga bubog sa paligid.

Sugatan ang dalawang empleyado ng kainan na nakilalang sina Yue Qzang Cao, 45, at Liang Zhang, 37.

Damay naman ang dalawa pang Chinese na sina Ting Tang, 26 at Long Liun Yun, 27 na napadaan lang nang maganap ang insidente.

Maswerte namang sarado na ang restaurant kaya’t walang customer na nadamay.

Patuloy na iniimbestigahan ng pulisya ang insidente.

Read more...