Si Matute ang kauna-unahang nagawaran ng Palaca Award para sa Maikling Kuwento sa Filipino para sa kanyang ‘Kuwento ni Mabuti’.
Ipinanganak si Matute noong January 3, 1915 at naging guro ng anim na taon sa elementarya, sekondarya at kolehiyo.
Si Matute rin ang may-akda ng aklat sa Balarilang Tagalog na nabigay-daan para maituro nang mas epektibo ang Filipino at iba pang mga asignaturang pang-edukasyon.
Bukod sa ilang beses na pagkapanalo ng Palanca Award, nakatanggap din ng iba pang pagkilala si Matute tulad ng:
- Gawad Cultural Center of the Philippines para sa Sining (Panitikan)
- Republic Literary Awards ng National Commission for Culture and the Arts
- at ang Lifetime Achievement Award para sa Panitikan na iginawad mismo ni dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo.
Nagretiro si Matute bilang dekana sa Philippine Normal University (PNU).
Namatay si Matute sa edad na 94 noong March 21, 2009.