DOH: Bilang ng mga nabiktima ng paputok pumalo na sa 288

File photo

Umakyat sa 288 ang bilang ng firecracker-related injuries sa pagsalubong 2020 ayon sa pinakahuling tala ng Department of Health (DOH).

Batay sa ulat ng kagawaran, ang 288 kaso ay mula December 21, 2019 hanggang January 2, 2020.

Mas mababa ito ng 25 kaso o walong porsyento kumpara sa naitala sa kaparehong panahon noong nakaraang taon.

Iginiit ng DOH na lahat ng nasaktan ay bunsod ng fireworks at walang napaulat na biktima ng stray bullet at firework ingestion.

Wala ring naiulat na namatay ngayong taon.

Sa 288 kaso, pinakamarami ang mula sa National Capital Region.

Samantala, 172 o 60% ng injuries ay dahil sa kwitis (63), fountain (32), luces (32), piccolo (17) at triangulo (13).

Read more...