Mga labi ng isa pang Pinay na nasawi sa car accident sa Singapore naiuwi na sa bansa

Photos: PHV Riders and Drivers Singapore/Facebook, Screengrab From YouTube

Naiuwi na rin sa Pilipinas ang mga labi ni Abigail Leste, ang isa pang overseas Filipino worker (OFW) na nasawi sa car accident sa Singapore noong nakaraang linggo.

Alas-11:29 kagabi nang lumapag sa NAIA Terminal 2 ang Philippine Airlines Flight PR 512 lulan ang mga labi ni Leste.

Kasalukuyang nasa cargo terminal ng PAL ang mga labi ng OFW habang hinihintay ang mga kaanak nito na mag-uuwi sa kanya sa Aparri.

Una nang naiuwi sa bansa ang mga labi ni Arlyn Nucos noong Miyerkules ng gabi.

Bukod kina Leste at Nucos, apat pang Pinoy ang nasugatan sa insidente kung saan dalawa pa ang nananatili sa ospital.

Kritikal pa rin ang kapatid ni Arlyn na si Arceli at ginagamot pa si Egnal Limbauan.

Nagpapahinga lamang sa Lucky Plaza mall ang OFWs nang mabangga sila ng kotse.

Nakakulong na ngayon ang driver ng kotse habang iniimbestigahan ang kaso.

Read more...