Higit P450K na halaga ng paputok winasak sa Cavite

Winasak ng Cavite Provincial Police ang aabot sa P452,847 halaga ng iligal na paputok sa Camp General Pantaleon Garcia, Imus City, araw ng Huwebes.

Ayon kay Cavite Police officer-in-charge P/Col. Marlon Santos, nakumpiska ang mga paputok mula sa mga vendors na walang permit.

Ayon kay Santos, 61 ang naitalang kaso ng firecracker-related injuries sa lalawigan.

Sanhi ng mga injury ay ang kwitis, fountain, boga, piccolo, luces at whistle bomb.

Nagpapasalamat naman si Santos na bahagyang pinsala lamang ang natamo ng mga biktima.

Walang naputulan ng bahagi ng katawan at namatay dahil sa paputok sa Cavite.

Itinuturing ng Cavite Police na tagumpay ang kanilang IWAS PAPUTOK campaign ngayong taon.

Read more...