Windshield ng isang tren ng PNR, nabasag matapos hagisan ng bato

Nabasag ang windshield o harap na salamin ng isang tren ng Philippine National Railways (PNR), araw ng Miyerkules (January 1, 2020).

Ayon sa Department of Transportation (DOTr), hinagisan ng bato ang Rotem train ng PNR sa Caloocan bandang 6:01 ng gabi.

Bunsod nito, isinailalim sa replacement ang windshield para maiwasang makaantala ng serbisyo sa mga pasahero bandang 12:03, Huwebes ng tanghali (January 2).

Sinabi pa ng DOTr, katuwang ang PNR, mahigpit nilang tututukan at makikipag-ugnayan sa mga otoridad at local government units (LGUs) para mahuli ang mga responsable sa insidente.

Muli namang hinikayat ng kagawaran ang publiko, partikular ang mga pasahero ng tren, na makipag-tulungan at agad i-report para maiwasan na ang nasabing insidente.

Sa tulong ng publiko, tiniyak ng DOTr at PNR na mapoprotektahan ang mga kagamitan at kaligtasan ng mga commuter.

Read more...