PCG, umasiste sa sugatang crew member ng isang Vietnamese vessel sa Tawi-Tawi

Umasiste ang Philippine Coast Guard (PCG) sa sugatang crew member sa isang Vietnamese vessel sa bahagi ng Tawi-Tawi, araw ng Martes (December 31, 2019).

Ayon sa PCG, isinagawa ng mga tauhan ng PCG Station sa Western Tawi-Tawi ang vessel inspection sa bangkang may bow number na KG91679TS.

Natagpuang may bali sa hita at leeg ang crew member na si Dang Canh.

Agad nakipag-ugnayan ang PCG sa Philippine Air Force (PAF) para mailipat sa pinakamalapit na medical facility si Canh.

Read more...