Pagbisita ni Pangulong Duterte sa mga biktima ng lindol sa Davao del Sur, kinansela

Photo grab from PCOO’s Facebook live video

Kinansela ang nakatakda sanang pagbisita ni Pangulong Rodrigo Duterte sa mga biktima ng lindol sa bayan ng Malalag at Padada sa Davo del Sur.

Sa Palace briefing, ipinaliwanag ni Presidential spokesman Salvador Panelo na ito ay dahil masama ang pakiramdam ng pangulo.

Gayunman, ordinaryo lamang ito at wala namang dapat ikabahala ang publiko sa kalusugan ng pangulo.

Aniya pa, natural sa isang tao na sumama ang pakiramdam kapag kulang sa tulog at kinabukasan ay magiging maayos na lagay.

Inilipat ang naantalang event sa araw ng Biyernes.

Matatandaang hindi ito ang unang beses na nagkansela ng public engagement ang pangulo dahil sa masamang pakiramdam.

Read more...