Nasawi sa pagbaha sa Indonesia umakyat na sa 18

Nadagdagan pa ang bilang ng mga nasawi sa naranasang pagbaha sa Indonesia.

Mula sa siyam ay umakyat sa labingwalo ang bilang ng nasawi.

Simula New Year’s Eve nakaranas na ng pag-ulan sa Jakarta na nagdulot ng flash flood at landslides.

Libu-libong mga residente ang inilikas at pinangangambahang tataas pa ang bilang ng mga nasawi.

Ayon kay National disaster agency spokesman Agus Wibowo, patuloy silang kumakalap ng ulat sa mga naapektuhang lugar.

Kabilang sa dahilanng pagkasawi ay pagkalunod, labis na lamig, at natabunan ng landslide.

Read more...