Military chief of staff ng Taiwan pinaghahanap matapos bumagsak ang sinasakyang helicopter

Nawawala ang military chief of staff ng Taiwan matapos mag-crash ang sinasakyan nitong helicopter.

Lulan ng UH-60M helicopter si Shen YI-ming, chief of general staff ng Taiwan military nang ito ay mag-crash landing sa kabundukan malapit sa Taipei.

Hindi pa alam ang dahilan ng chopper crash.

Magsasagawa sana ng routine mission ang grupo para bisitahin ang mga sundalo sa Yilan country.

Maliban sa opisyal, labingdalawang iba pa ang sakay ng chopper.

Sampu sa mga sakay ng chopper ang natagpuang ligtas, habang patuloy na pinaghahanap si Shen at dalawang iba pa.

Read more...