Partial deployment ban ipatutupad sa Kuwait – DOLE

Magpapatupad ng partial deployment ban ang Department of Labor and Employment sa Kuwait.

Kinumpirma ito ni Labor Sec. Silvestre Bello kasunod ng panibagong insidente ng pagkamatay ng isang OFW na si Jeanelyn Villavende.

Sa ilalim ng ipatutupad na partial deployment, wala munang bagong ipoproseso na deployment ng mga bagong OFW sa Kuwait.

Ayon kay Bello, maglalabas siya ng official order tungkol dito sa lalaong madaling panahon.

Kasabay nito, patuloy aniyang pag-aaralan ang pagpapatupad ng total ban hangga’t hindi naibibigay ang hustisya kay Villavende na nasawi sa kamay ng kaniyang Kuwaiti employer.

Read more...