Kim Heechul ng Super Junior at Momo ng TWICE, kumpirmadong magkarelasyon

Kumpirmadong may relasyon sina Heechul ng Super Junior at si Momo ng grupong TWICE.

Ang management agency ng dalawa ang nagkumpirma sa kanilang relasyon.

Ayon sa Label SJ ang agency ni Kim, naging malapit ang dalawa at nagsimulang mag-date.

Ang kumpirmasyon ay inilabas din ng JYP Entertainment na talent agency ng TWICE.

Bago ang kumpirmasyon ay napaulat na ang pagde-date ng dalawa.

Read more...