Water level ng Angat dam umabot na sa 202-meter level

Sumampa na sa 202-meter level ang antas ng tubig sa Angat dam.

Sa nakalipas na magdamag, sinabi ng PAGASA Hydrology na alas 6:00 ng umaga ng Huwebes, January 2 ay tumaas pa ang water level sa Angat at ngayon ay nasa 202.60 meters na.

Wala namang pagbabago sa water level ng La Mesa dam na nasa 77.69 meters habang ang Ipo dam ay nasa 101.03 ang antas ng tubig.

Nadagdagan din ang water level ng Ambuklao at Caliraya dams.

Nabawasan naman ang water level ng Binga, San Roque, Pantabangan, at Magat dams.

Read more...