Sa panayam ng Radyo Inquirer sinabi ni Health Sec. Francisco Duque III, walang naitalang insidente ng firecracker ingestion at sa ngayon wala pa ring naitatalang nasawi nang dahil sa indiscriminate firing sa pagsalubong sa 2020.
Umaasa si Duque na mapapanatili ito hanggang sa huling araw ng kanilang pagtatala ng mga nasugatan sa paputok sa January 6.
Umapela din si Duque sa mga mamamayan na manatiling maingat at linisin ng tama ng mga kalat na naiwan mula sa paputok o fireworks
Desidido rin si Duque na dapat ipagbawal na ang lahat ng uri ng paputok kasama na ang mga pailaw lamang gaya ng luces o fountain.
Ayon kay Duque, mapa-legal o ilegal na paputok o pailaw kasi ay nakapipinsala.