16 na preso patay sa riot sa bilangguan sa Mexico

Nasawi ang labinganim na katao sa riot na naganap sa bilangguan sa Zacatecas State sa Mexico.

Itinuturing itong isa sa pinakamalalang kararahasan sa penal system ng Mexico.

Nangyari ang riot sa Regional Center for Social Reintegration sa bayan ng Cieneguillas.

Awayan sa soccer game ang pinagmulan ng gulo.

Maliban sa 16 na presong nasawi, mayroon pang limang sugatan.

Pagkatapos ng riot, isang preso ang nahulihanng armas, mayroon ding narecover na tatlo iba pang baril sa bilangguan at maraming kutsilyo.

 

Read more...