150 pamilya na nasunugan sa QC nananatili sa covered court

Nananatili sa evacuation center ang 150 mga pamilya na nasunugan sa Quezon City sa pagsalubong ng Bagong Taon.

Sa covered court ginugol ng mga pamilyang nasunugan ang unang araw ng taong 2020.

Sila ay pawang biktima ng sunog na naganap sa Barangay Vasra.

Pinagkalooban naman ng Disaster Risk Reduction and Management Office ng Quezon City at Social Services Department ng kani-kaniyang tent ang bawat pamilyang nananatili sa covered court.

Ayon naman sa Quezon City Public Affairs and Information Services Department, may itinalagang mga mobile shower trucks mula sa Bureau of Fire Protection at Manila Water para maayos na makapaligo ang mga apektadong residente.

Read more...