Amihan, ITCZ magdadala ng mga pag-ulan sa malaking bahagi ng bansa

Walang binabantayang sama ng panahon sa loob ng Philippine Area of Responsibility (PAR) sa kasalukuyan.

Ayon sa 4am weather update ng PAGASA, northeast monsoon o Amihan at intertropical convergence zone (ITCZ) ang weather systems na umiiral sa bansa sa ngayon.

Dahil sa Amihan, maulap na kalangitan na may kalat-kalat na pag-ulan ang mararanasan sa Cagayan Valley, Cordillera Administrative Region, Aurora at Quezon.

Ang ITCZ naman, nagdadala rin ng maulap na kalangitan at kalat-kalat na pag-ulan, pagkulog at pagkidlat sa Davao Region at Soccsksargen.

Sa Metro Manila at nalalabing bahagi ng bansa, asahan ang magandang panahon na may posibilidad lamang ng mga panandaliang buhos ng pag-ulan.

Nakataas ngayon ang gale warning at ipinagbabawal ang paglalayag sa mga baybaying dagat ng:
– Ilocos Norte
– Ilocos Sur
– La Union
– Pangasinan
– Batanes
– Babuyan
– Calayan
– Cagayan
– Isabela
– Aurora
– Quezon kasama ang Polillo Islands
– Camarines Norte
– Northern coast ng Camarines Sur
– Eastern coast ng Sorsogon
– Northern at eastern coast ng Catanduanes
– Surigao del Norte
– Dinagat Islands
– Siargao
– Northern at Eastern Samar

Read more...