16 sugatan sa aksidente sa Iloilo

Sugatan ang labinganim na kataomakaraang maaksidente ang sinasakyan nilang jeep sa Pototan, Iloilo.

Nangyari ang aksidente sa Barangay Malusgod, hapon ng Miyerkules, January 1.

Ayon sa Pototan Municipal Police Office, nawalan ng kontrol ang driver sa jeep dahilan para mahulig ito sa gilid ng kalsada.

Agad namang nadala sa ospital ang mga biktima na pawang magkakamag-anak.

Hindi naman na magsasampa ng kaso ang mga nasaktan dahil kamag-anak din nila ang nagmamaneho ng jeep.

Read more...