Bilang ng sunog sa pagsalubong ng Bagong Taon, umabot sa 41 – BFP

Umabot sa 41 ang bilang ng insidente ng sunog sa pagsalubong ng Bagong Taon.

Sa inilabas na pahayag, sinabi ng Bureau of Fire Protection (BFP) na ito ay naitala mula Bisperas ng Bagong Taon, December 31, hanggang January 1.

Mas mataas ito kumpara sa record na 11 insidente ng sunog noong nakaraang taon.

Pinakamaraming napaulat na sunog sa National Capital Region.

Nagkaroon ng sunog sa bahagi ng Quezon City at Maynila.

Muling nagpaalala ang BFP sa publiko ukol sa fire prevention.

Read more...