WATCH: Teaser ng live-action remake ng Voltes V inilabas na ng GMA network

Inilabas na ng GMA network ang promotional teaser ng live-action remake ng Voltes V.

Alas 2:02 ng madaling araw ng January 1, 2020 nang ipasilip ang isang minutong teaser.

May titulo ang video na Voltes V Legacy teaser at may caption na “The hero of generations returns!”.

Si Direk Mark Reyes ang direktor nito na una na niyang tinawag na “dream project” para sa kaniya.

Ngayong taon ay inaasahang ipalalabas ng GMA ang Voltes V Legacy.

Read more...