Magkasunod na pagyanig naitala sa Davao Del Sur

Nakapagtala ng magkasunod na pagyanig sa Davao Del Sur umaga ng Miyerkules, January 1, 2020.

Alas 5:45 ng umaga nang unang maitala ang magnitude 3.2 na lindol sa 20 kilometers southwest ng bayan ng Sulop.

Alas 6:56 naman ng umaga nang maitala ang magnitude 3.3 na lindol sa bayan ng Bansalan.

Kapwa tectonic ang origin ng pagyanig.

Hindi rin inaasahang magdudulot ng pinsala ang magkasunod na lindol.

Read more...