11 arestado sa pagkakalat sa Rizal Park sa pagsalubong ng Bagong Taon

Libu-libong katao ang nagtipon sa Luneta Park sa Maynila sa pagsalubong ng Bagong Taon.

Sa datos ng Manila Police District (MPD) umabot sa 14,000 ang bilang ng mga taong dumagsa sa Luneta para doon ipagdiwang ang Bagong Taon.

Sinabi naman ni MPD Station 5 commander Police Lt. Col. Ariel Caramoan, umabot sa 11 katao ang kanilang naaresto sa Luneta dahil sa pagkakalat.

Sa magdamag ay may naaresto ring dalawang katao na nag-iinuman sa public places.

Read more...