13-anyos nabiktima ng ligaw na bala sa Isabela City

Isang 13-anyos na babae ang nabiktima ng ligaw na bala sa Isabela City, Basilan sa kasagsagan ng pagsalubong sa Bagong Taon.

Ayon sa Isabela City Disaster Risk Reduction and Management Office ang biktima ay residente ng Barangay Tampalan sa Malamawi Island.

Sa kanang braso ang tama ng biktima.

Agad naman siyang naisugod sa local hospital sa lugar.

Read more...