DFA kinumpirmang may dalawang Filipino seafarers na dinukot sa Cameroon

Kinupirma ng Department of Foreign Affairs (DFA) na dalawang Filipino Seafarers ang kabilang sa mga nabiktima ng kidnapping sa Cameroon.

Ayon sa DFA, ang dalawang Pinoy ay kabilang sa walong seafarers na dinunkot habang sakay sila ng Greek-flagged oil tanker.

Tiniyak ng DFA na nakikipag-ugnayan na ang Philippine Embassy sa Abuja sa mga otoridad para mailigtas ang mga biktima.

Ang embahada ng Pilipinas sa Abuja ang mayroong hurisdiksyon sa Cameroon.

Read more...