Water level ng Angat dam nasa 201.72 meters ngayong unang araw ng 2020

Sa unang araw ng taong 2020 umabot na sa 201.72 meters ang antas ng tubig sa Angat dam.

Ayon ito sa update ng PAGASA Hydrology, alas 6:00 ng umaga ng Miyerkules, January 1, 2020.

Mas mataas ito kumpara sa 201.51 meters na water level nito kahapon ng umaga.

Gayunman, malayo pa ito sa 212 meters na normal high water level ng Angat dam.

Wala namang pagbabago sa water level ng Ambuklao dam.

Ang Ipo dam at La Mesa dam ay kapwa nabawasan ang antas ng tubig na nasa 101.05 meters at 77.69 meters.

Ang lahat ng iba pang mga dam sa Luzon ay pawang nabawasan ang water level sa magdamag.

Read more...