Mahigit P83 na dagdag-presyo sa 11-kilogram na tangke ng LPG sumalubong sa unang araw ng 2020

Malakihang dagdag sa presyo ng Liquefied Petroleum Gas (LPG) ang sumalubong sa unang araw ng taong 2020.

Ang dagdag presyo ay bunsod ng contract price ng produktong petrolyo sa pandaigdigang merkado.

Sa abiso ng Petron, epektibo na ang kanilang dagdag-presyo sa LPG na P7.55 kada kilo 12:01 ng madaling araw ng January 1, 2020.

Katumbas ito ng P83.05 na dagdag sa kada 11-kilogram cylinder na LPG.

May dagdag din ang Petron na P4.25 sa kada litro ng kanilang AutoLPG.

Parehong din ang halaga ng dagdag na ipinatupad ng Phoenix sa kanilang Phoenix Super LPG at AutoLPG kaninang 12:01 ng madaling araw.

Mas maliit naman ng kaunti ang dagdag-presyo ng Solane sa kanilang LPG na P6.74 kada kilo.

Epektibo ang taas-presyo ng Solane alas 6:00 ng umaga.

Read more...