Jose Abad Santos, Davao Occidental niyanig ng lindol

Niyanig ng magnitude 3.3 na lindol ang bayan ng Jose Abad Santos sa Davao Occidental.

Naitala ng Phivolcs ang pagyanig sa layong 73 kilometers southeast ng Jose Abad Santos alas 2:34 ng madaling araw ng January 1, 2020.

Ayon sa Phivolcs, 86 kilometers ang lalim ng lindol at tectonic ang origin nito.

Hindi naman ito inaasahang magdudulot ng pinsala at aftershocks.

Read more...