Sunog sa Brgy. Vasra sa QC umabot sa task force alpha, 50 bahay ang nasunog

Mahigit isangdaang pamilya ang nawalan ng tirahan sa pagsalubong sa Bagong Taon.

Ito ay makaraang matupok ng apoy ang 50 mga bahay sa Barangay Vasra sa Quezon City.

Nagsimula ang sunog bago mag-hatinggabi na umabot sa task force alpha.

Ala 1:30 na ng madaling araw nang maideklarang under control na ang sunog.

Patuloy pang inaalam kung ano ang pinagmulan ng apoy at magkano ang halaga ng mga ari-ariang nasunog.

Read more...