WATCH: Traffic enforcer kinaladkad ng sinitang taxi sa Baguio

Isang traffic enforcer ang kinaladkad ng taxi na sinita nito sa Baguio City.

Ayon sa Baguio City Publlic Information Office, pinaiimbestigahan na ni Baguio City Mayor Benjamin Magalong ang insidente na nanbgyari December 31, 2019.

Sinita ni Patrolman Julius Walang ang driver ng taxi dahil sa paglabag nito sa traffic rules sa bahagi ng Abanao St.

Base sa video na kuha sa dashcam ng isang motorista, sa halip na huminto ay ilang beses binangga ng taxi si Buclay na noon ay nasa harapan ng sasakyan.

Nakilala ang driver ng taxi na si Jone Buclay.

Ayon sa Traffic Enforcement Unit, nagpositbo si Buclay sa alcohol intake nang isailalim siya sa breath analyzer.

Nais din ni Magalong na ipasama sa imbestigasyon ang hukom na umano ay namagitan sa kaso kaya nakalaya ang driver nang hindi sumasailalim sa inquest proceedings.

Read more...