Sunog sa Sta. Ana, Maynila umabot sa task force bravo; 150 bahay ang natupok

(UPDATE) Ilang sandali matapos ang pagpasok ng taong 2020 tinupok ng apoy ang isang residential area sa Santa Ana, Maynila.

Nagsimula ang sunog sa bahagi ng Pasig Line na umabot sa task force bravo.

Alas 6:42 ng umaga ng Miyerkules, January 1, idineklara nang fire under control ang sunog.

Tinatayang aabot sa 150 bahay  ang natupok at inaalam pa kung ilang pamilya ang apektado.

Read more...