May hinala ang abugado ni Marine Lt Col. Ferdinand Marcelo na may ‘demolition job’ na nangyayari laban sa kanyang kliyente dahil sa patuloy nitong pagpuna sa maling sistema sa hanay ng Philippine Drug Enforcement Agency o PDEA.
Sa isang panayam, sinabi ni Atty. Dennis Manalo, na naging kritiko ng PDEA si Marcelino dahil sa performance ng ahensya sa pagsupo ng iligal na droga sa bansa.
Ito aniya ang posibleng dahilan kaya’t pilit na idinidiin si Marcelino ng ahensya bilang konektado umano sa shabu laboratory na natagpuan kamakailan.
Agad aniyang ipinrisinta sa media ang kanyang kliyente bilang suspek kahit hindi pa man nakukumpleto ang mga detalye sa kaso.
Malinaw aniya sa batas na ang isang akusado ay ipinapalagay na inosente sa isang kaso hangga’t hindi napapatunayang ‘guilty’ ng korte.
Isiniwalat pa ni Manalo na kahit wala na sa PDEA, nanatiling aktibo sa anti-drug crusade ang kanyang kliyente.
Gayunman, wala aniyang nakuhang suporta si Marcelino sa kasalukuyang liderato ng ahensya at nasabihan pa umano ni PDEA Dir. Arturo Cacdac Jr. na maghabol na lamang ng Abu Sayyaf sa Mindanao sa halip na pakialaman pa ang isyu ng droga.
Si Marcelino ay dating pinuno ng Special Enforcement Service ng PDEA noong panahon ni PDEA Dir. Dionisio Santiago.
Isa sa mga aacomplishments ni Marcelino ay ang pagkakadakip sa grupo ng mga ‘Alabang Boys’.
Gayunman, kalaunan ay pinalaya rin ng korte matapos mapatunayang inosente sa mga kasong isinampa laban sa kanila.