5 patay sa banggaan sa Quezon

Patay ang lima katao matapos magkaroon ng banggaan sa Mulanay, Quezon Martes ng umaga.

Batay sa ulat ng Quezon Police Provincial Office, sangkot sa aksidente ang isang van at tricycle.

Ayon sa pulisya, nabangga ng van ang tricycle na may sakay na apat na pasahero sa bahagi ng Barangay Santa Rosa bandang 8:30 ng umaga.

Nawalan umano ng kontrol ang minamanehong van ng drayber na si Arnel Tesico dahilan para mangyari ang aksidente.

Naisugod pa sa ospital ang limang biktima ngunit nasawi rin kalaunan.

Patuloy pa naman ang isinasagawang imbestigasyon ng pulisya sa aksidente.

Read more...