Ito ay kasabay ng paghahanda sa Bisperas ng Bagong Taon.
Layon nitong ipanawagan ang mababang bilang ng insidente ng sunog at pagkasugat dahil sa paputok sa pagsalubong sa Bagong Taon.
Nakiisa sa motorcade ang Tondo Fire Station, Gagalangin Fire Station sa iba pa.
Sumama rin sa motorcade ang 19 trak ng bumbero, dalawang tanker, isang ambulansya, tatlong police patrol vehicle, sampung police motorcycle units.
Namahagi rin ang Manila Fire District 1 ng flyers para hikayatin ang publiko na huwag gumamit ng paputok.
Samantala, kasabay nito, namigay naman ang Manila Police District 2 ng mga pampaingay tulad ng paper horns o “torotot” sa mga residente ng lungsod.
Bahagi ito ng kanilang kampanya na ‘Oplan Iwas Paputok.’
Ilan sa pinuntahan ng MPD 2 ang bahagi ng Asuncion Street at Parola Compound sa Tondo.