2 bata sa Maynila, nasugatan dahil sa paputok

Nasugatan ang dalawang bata dahil sa paputok sa Lungsod ng Maynila, Martes ng umaga (Bisperas ng Bagong Taon).

Ayon sa Manila Public Information Office (PIO), nagtamo ng blast injury ang batang lalaki sa kanang tenga nito.

Samantala, nagkaroon naman ng hiwa sa babang likuran ang batang babae.

Kapwa isinugod ang dalawa sa Sta. Ana Hospital para malapatan ng lunas.

Tiniyak naman ng Manila PIO na nakahanda ang mga doktor at iba pang medical staff sa ospital.

Read more...